Stuff I found funny
Movies
1. black hawk down - ibong maitim sa ibaba2. dead man's chest - dodo ng patay
3. i know what you did last summer - uyy... aminin!
4. love, actually - sa totoo lang, pag-ibig
5. million dollar baby - 50 million pisong sanggol (it depends on the exchange rate of the country)
6. the blair witch project - ang proyekto ng bruhang si blair
7. mary poppins - si mariang may putok
8. snakes on a plane - nag-ahasan sa ere
9. the postman always rings twice - ang kartero kapag dumutdot laging dalawang beses
10. sum of all fears - takot mo, takot ko, takot nating lahat
11. swordfish - talakitok
12. pretty woman - ganda ng a mo
13. robin hood, men in tights - si robin hood at ang mga felix bakat
14. four weddings and a funeral - kahit 4 na beses ka pang magpakasal, mamamatay ka rin
15. the good, the bad and the ugly - ako, ikaw, kayong lahat
16. harry potter and the sorcerer's stone - adik si harry, tumira ng shabu
17. click - isang pindot ka lang
18. brokeback mountain - may nawasak sa likod ng bundok ng tralala /bumigay sa bundok
19. the day of the dead - ayaw tumayo (ng mga patay)
20. waterworld - basang-basa
21. there's something about mary - may kwan sa ano ni maria
22. employee of the month - ang sipsip
23. resident evil - ang biyenan
24. kill bill - kilitiin sa bilbil
25. the grudge - lintik lang ang walang ganti
26. nightmare before christmas - binangungot sa noche buena
27. never been kissed - pangit kasi
28. gone in 60 seconds - 1 round, tulog
29. the fast and the furious - ang bitin, galit
30. too fast, too furious - kapag sobrang bitin, sobrang galit
31. dude, where's my car - dong, anong level ulit tayo nag-park?
32. beauty and the beast - ang asawa ko at ang nanay nya
33. the lord of the rings - ang alahero
=====
How to Deliver a Bad News
KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw...."Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sabahay-bakasyunan niyo."
"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?"
Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."
"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?"
Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."
"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ngbulok na karne?"
"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"
"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat silasa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"
"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"
"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isangnakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat angapoy...."
"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Parasaan 'yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?"
Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi,walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binarilko."
GANDANG ARAW!!!

